Kris copy copy

BRIEF and concise ang official statement ng ABS-CBN na ipinadala ni Kane Errol Choa, head ng Corporate Communication department, tungkol sa pag-alis ni Kris Aquino pagkalipas ng 20 years nitong pamamalagi sa network.

“We respect and support Kris Aquino’s decision to take a break from show business and prioritize her health and spend quality time with her kids. ABS-CBN and Kris have agreed to discuss future plans after she takes her much-needed break.”

Health reasons ang ibinigay ni Kris kaya gusto muna niyang mag-break sa araw-araw niyang ginagawa sa telebisyon.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nu’ng gabing mag-post ng pamamaalam si Kris sa kanyang Instagram ay nagulat ang lahat, lalo na ang KrisTV team niya dahil hindi raw sila na-inform na may ganitong plano ang Queen of All Media.

Sa madaling salita, nabulaga sila.

May nag-akalang staff na baka masama talaga ang pakiramdam ni Kris kaya nag-emote at hindi rin naman kasi biro na nagpa-fluctuate ang blood pressure ng kahit na sino.

Sanay na raw kasi sila kay Kris na kapag okay na ang pakiramdam ay back to work na ulit dahil workaholic naman talaga ang TV host. Pero totohanan, gusto na munang itigil ni Kris ang stressful daily routine niya sa showbiz.

Samantala, base sa nakita naming post ay masaya ang ginanap na taping ng KrisTV sa Tagaytay City kasama sina KC Concepcion, Arci Muñoz, Angeline Quinto, Isabelle Daza at Jolina Magdangal. 

Iniwasan daw kasi ng lahat na maging emosyonal. Pero sa latest post ni Kris as of Thursday night, nalamang napaiyak si Kris pag-uwi nang mabasa na ang message sa kanya ng staff pagdating ng bahay.

Samantala, wala pang binanggit sa amin ang sources namin sa Dos kung anong programa ang ipapalit sa timeslot ng KrisTV dahil magkakaroon pa raw ng meeting.

“Wala pa, Reggee,” sagot sa amin ng isang ABS-CBN executive.

Tinanong din namin ang isa pang kausap naming taga-Dos din kung hanggang kailan magbabakasyon si Kris at kaswal na sabi sa amin, “Baka 2 to 3 months lang.”

Kaya sa mga loyalistang viewers at supporters ni Kris, huwag na kayong malungkot dahil sandali lang naman pala siyang mawawala, ‘yan ay kung hindi siya mag-i-extend ng bakasyon.

Samantala, may nagtanong sa amin kung totoong sasama raw si Kris sa sorties ng kumakandidatong Bise Presidente ng Pilipinas na si Cong. Leni Robredo kaya mawawala rin siya sa TV.

Wala kaming alam tungkol dito at kung ibabase sa mga dahilan ng Queen of All Media kaya siya magbabakasyon ay dahil ayaw niya ng stress kasi nga taas-baba ang BP niya, e, di ba bossing DMB, nakaka-stress sumama sa sorties at sobrang mainit pa?

(Pakihintay po ang exclusive report ng inyong lingkod tungkol sa bagay na ito. --DMB) (REGGEE BONOAN)