PARIS, France (AFP) – Nagbabala ang French researchers nitong Huwebes na maaari ring magdulot ng seryosong brain infection sa matatanda ang Zika virus.

Natuklasan ang Zika virus sa spinal fluid ng isang 81-anyos na lalaki na ipinasok sa ospital malapit sa Paris noong Enero, matapos magbalik mula sa isang buwang cruise na nilibot ang New Caledonia, Vanuato, Solomon Islands at New Zealand.

Ang lalaki – semi-comatose, mataas ang lagnat at paralisado ang kalahati ng katawan – ay nasuring mayroong meningoencephalitis, ang pamamaga ng utak at membrane nito, isinulat ng grupo sa New England Journal of Medicine.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo