SAN JOSE CITY – Nasukol kahapon ng pinagsanib na operatiba ng San Jose City Police Station at Provincial Highway Patrol Team (PHPT) ang matagal nang minamanmanan na carnapper sa Nueva Ecija.

Kinilala nina P/Supt. Nolie Asuncion, hepe ng San Jose City Police, at P/C Insp. Eric Reverente, ng PHPT, ang suspek na si Mark Anthony Himada, 22, residente ng Saint Cecilia Village, Barangay Abar 1st, San Jose City.

Nadakip ng Manhunt Charlie ng pulisya ang suspek sa pinagtataguan nito sa Encarnacion Subdivision, Bgy. R. Rueda, ng lungsod.

Si Himada ay may standing arrest warrant na inisyu ni Judge Cynthia Martinez-Florendo ng Regional Trial Court (RTC) Branch 39 ng San Jose City, sa kasong carnapping at homicide. Nakatala rin siya bilang most wanted person sa lalawigan ng Nueva Ecija. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog