Marso 11, 1818 nang mailathala ang unang science fiction novel sa mundo, ang “Frankenstein” (o “The Modern Prometheus”), na isinulat ng 20-anyos na si Mary Wollstonecraft Shelley. Ngunit ito ay inilabas anonymously.
Tampok sa nobela ang kuwento ng isang Swiss scientist na nagngangalang Victor Frankenstein, na natakot sa pangit at malaking nilalang na kanyang binigyang-buhay gamit ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga bangkay. Ang mabait na nilalang, na tinalikuran ng siyentista, ay naging brutal dahil wala siyang makasama.
Sinimulang sulatin ni Shelley ang kuwento isang maulang araw noong 1816, kasama ang kanyang kaibigan na si Lord Byron na nag-undok sa kanya, at sa kanyang asawa at makatang si Percy Bysshe Shelley, na sabay silang magsulat ng nakakatakot na kuwento.