Binuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa maliliit at magagaan na sasakyan ang Diokno Highway (dating Tagaytay Junction-Calaca-Lemery Road) sa Calaca, Batangas.

Base sa ulat mula sa DPWH Batangas First District Engineering Office, isinara ang 90-lineal meters section sa K072+1004 patungong K091+88 para kumpunihin dahil sa vertical settlement kasunod ng pananalasa ng bagyong ‘Nona’.

Sa ngayon, ang malalaking sasakyan na papuntang Lemery ay pinapayuhang dumaan sa Tagaytay-Nasugbu Road papuntang Palico-Balayan-Batangas City Road bilang alternatibong daan. (Mina Navarro)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga