CAMILING, Tarlac - Isang tricycle driver ang namatay at tatlong iba pa ang grabeng nasugatan nang makasalpukan ng una ang isang Toyota Corolla sa Camiling-Bayambang Road sa Barangay Tambugan, Camiling, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Mario Simon, Jr. ang namatay na si Orlando Dela Cruz, 46, driver ng tricycle (QA-8005), ng Bgy. Carael, Camiling. Malubha namang nasugatan ang pasahero niyang si Rolando Francisco, Jr., nasa hustong gulang, ng Bgy. Sinilian 3rd, Camiling, Tarlac.

Sugatan din sa insidente ang driver ng Corolla (THM-470) na si Reynaldo Domus, 50, ng City Homes, Dasmariñas City, Cavite; at Villalon Zosimo, 51, may asawa, ng Bgy. Bonuan Gueset, Dagupan City. (Leandro Alborote)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae