Naaresto kahapon ng pulisya ang tatlong drug addict sa halinhinang panghahalay at pagpatay sa isang 15-anyos na babaeng estudyante sa Sitio Tiposo, Barangay Bulasa, Argao, Cebu.

Basag ang bungo, nakalilis ang palda at walang panty nang matagpuan ang wala nang buhay na biktima, na hindi pinangalanan.

Ayon kay Senior Insp. William Jomoc, hepe ng Argao Municipal Police, nadakip ang mga suspek na sina Raymond Albuera, 22; Elmo Relatibo, 24; at Roy Sarausos sa follow-up operation ng pulisya.

Sinabi ng pulisya na natukoy nila ang mga suspek matapos personal na magtungo si Sarausos sa himpilan upang isumbong ang panggagahasa at pagpatay sa dalagita.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Isinailalim sa tactical interrogation si Sarausos, at sinabi niyang nakita niya ang krimen.

Kalaunan ay natukoy na kasama si Sarausos sa gumawa ng krimen.

Positibo namang itinuro ni Sarausos sina Albuera at Relatibo na kasama niya sa rape-slay kaya inaresto ang dalawa ilang oras matapos ang krimen.

Inamin din ng mga suspek na gumamit sila ng ilegal na droga bago isinagawa ang krimen.

Huling nakitang buhay ang biktima habang papasok sa eskuwelahan. (Fer Taboy)