LIPA CITY, Batangas - Inaresto ng mga awtoridad ang isang 25-anyos na dalaga na umano’y isa sa mga suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa tatlong bata sa Lipa City.

Nahaharap sa kasong robbery with multiple homicide si Abegail Jaingue.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 10:50 ng umaga noong Marso 4 nang arestuhin si Jaingue sa Barangay Balintawak, sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Noel Lindog, ng RTC Branch 13 sa Lipa City.

Isa umano ang dalaga sa mga suspek sa pamamaslang sa magkapatid na sina Princess Oliveros, Andrae Oliveros, 7; at pinsan ng mga itong si Joyce Ann Oliveros, 8 anyos.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Hulyo 26, 2015 nang natagpuang wala nang buhay ang mga bata sa loob ng kanilang bahay sa Nicolas Street, Bgy. Balintawak sa Lipa City, matapos silang pansamantalang iwan ng kanilang lola para pumunta sa palengke.

(Lyka Manalo)