CAOAYAN, Ilocos Sur – Nasawi ang isang mangingisda matapos siyang malunod habang naliligo sa Mestizo River sa Barangay Fuerte sa bayang ito, nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Feliciano Quiocho, Jr., 49, taga-Bgy. Fuerte, Caoayan, na natagpuang palutang-lutang at wala nang buhay sa Mestizo River ilang minuto matapos siyang lumangoy sa malalim na bahagi ng ilog.

Napaulat na lasing si Quiocho nang maligo sa ilog. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol