Marso 7, 1923 nang mailathala sa magazine na The New Republic ang tula ng Amerikanong makata na si Robert Frost (1874-1963) na may titulong “Stopping by Woods on a Snowy Evening”. Tampok dito ang isang ordinaryong magsasaka sa New England, at nagsisimula sa, “Whose woods these are, I think I know. His house is in the village though.”

Ilan sa mga karakter ay ang mga tagamasid (na naglalakbay sakay ng karitela), isang maliit na kabayo, at ang “owner of the woods.” Ikinokonsidera ni Frost ang tula, na naging isa sa mga pinakatanyag sa American literature, bilang “his best bid for remembrance.”

Bago niya buuin ang tula, gising si Frost buong magdamag dahil sa pagsusulat ng ibang tula, ang “New Hampshire”, na nagpapagaan sa kanyang pakiramdam. Lumalabas din siya sa bahay upang masaksihan ang pagsikat ng araw, at iyon ay kalagitnaang bahagi ng Hunyo.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’