Baguio Country Club Float copy

“BLESS The Children With Flowers” ang tema ng Panagbenga Festival ngayong taon, na ang layunin ay maipamana sa kabataan ang kultura at tradisyon sa nakalipas na 21 taon na itinuring na isa nang alamat sa larangan sa festival sa Summer Capital of the Philippines.

Sa streetdancing contest, walong elementary drum and lyre corps na napili noong Pebrero sa elimination round mula sa 11 kalahok. Naganap ang kanilang final showdown sa grand street dancing parade noong Pebrero 27 sa Athletic Bowl.

Sa ikatlong pagkakataon, muling nagwagi ang Apolinario Mabini Elementary School, na may premyong P150,000; pumangalawa ang Baguio Central School -- P130,000 at pangatlo ang Josefa Carino Elementary School -- P110,000.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa pitong contigent sa Open Category, naging champion ang Pamulinawen ng Laoag City sa Ilocos Norte, na nag-uwi ng premyong P150,000; pumangalawa ang karatig-bayan nitong San Nicolas -- P130,000 at pumangatlo ang Umingan Central High School sa Umingan, Pangasinan -- P110,000..

Ito ang ikalawang panalo ng Pamulinawen, na naging grand champion din noong Panagbenga 2015.

FLOWER FLOATS

Muli ay naging makulay ang pagdiriwang sa iba’t ibang uri ng halaman at bulaklak ang 22 floats na siyang dinadagsa ng mga manonood upang matunghayan din ang celebreties na nakasakay sa mga ito.

Sa small float ay anim ang lumahok na kinabibilangan ng International Praise Center,Inc.; 7 Eleven; Selecta; Zagu Foods Corporation; Universal Robina Corporation at Lower Dagsian Barangay sa Baguio City.

Sa big float category ay ang lumahok naman ang NorthluzonExpessway (NLEX);The Manor at Camp John Hay;Asia Brewery,Inc.;Jolibee; Pepsi Cola Products;International Pharmaceuticals,Inc.;Department of Agriculture;Department of Tourism-Cordillera;SITEL;M.Lhuillier;Coca-Cola;ABS-CBN at Taloy Norte,Tuba,Benguet.

Nakilahok din sa big float ang tatlong Hall of Famer, ang city government; Baguio Country Club at SM Baguio. Naging bida rin si Jeepito sa parade, ang tinaguriang Smallest Jeepney in the World.

Sa ikalawang magkasunod na taon ay muling nagwagi ang NLEX sa big float category na may premyong P250,000; pangalawa ang Sitel -- P180,000 at Taloy Norte -- P150,000.

Sa small float category naman ay ang nagsipagwagi ang Selecta na may premyong P150,000; Universal Robina Corp -- P120,000 at 7-Eleven -- P100,000. (RIZALDY COMANDA)