Isang hinihinalang carnapper ang napatay habang pinaghahanap na ang dalawang kasamahan nito na nakatakas matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Gensan Drive sa Koronadal City, South Cotabato, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat sa Camp Crame, dakong 11:00 ng gabi nitong Biyernes nang magkasagupa ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG)-South Cotabato at Koronadal City Police Office ang tatlong lalaki sa Gensan Drive.

Nasawi sa sagupaan si Marlon Oliver Sumagaysay.

Sinabi ng pulisya na dumulog sa pulisya si Reynold Demayo Cayetano, 46, tricycle driver, at residente ng Barangay San Isidro, at sinabing sapilitang inagaw ni Sumagaysay at ng dalawang kasamahan nito ang kanyang ipinamamasada.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Cayetano, nagpanggap na pasahero ang mga suspek hanggang sa tinutukan siya ng baril at pinababa mula sa kanyang tricycle, sa Bgy. Sto. Niño sa Koronadal City. (Fer Taboy)