TALAVERA, Nueva Ecija - Hindi na nakapalag sa pinagsanib na operatiba ng Talavera Police at Gen. Natividad Police ang isang 23-anyos na binatang suspek sa panghahalay na inaresto sa Barangay Bacal I sa bayang ito, nitong Huwebes ng tanghali.

Ayon kina SPO1 Rodrigo Valdez, hepe ng Intelligence; at PO3 Edwin Santos, ng Warrant Section, payapang sumama sa awtoridad si Ernesto Borja y Rebaldo, binata, ng Bgy. Bacal I.

Naaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Nelson Tribiana, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 37 sa Sto. Domingo para sa kasong rape, at walang inirekomendang piyansa para sa kanya.

Nabatid na bukod sa kasong rape, akusado rin si Borja sa paglabag sa Omnibus Election Code. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog