Marso 5, 1963 nang pagkalooban ng patent ang laruang Hula-Hoop, na sumikat sa United States, para sa mga may-ari ng Wham-O company na sina Richard Knerr at Arthur “Spud” Melin. Mabibili ang mga Hula-Hoop sa halagang $1.98 bawat isa, at aabot sa 100 milyon ang naibenta sa unang taon.

Naging inspirado sina Knerr at Melin na gawin ang nasabing produkto matapos makita ang mga batang Australian na nagpapaikot ng mga bilog na kahoy sa kanilang mga beywang habang nagkaklase sa gym. Gumawa ang Wham-O company ng plastic version ng laruan, at tinawag itong “Hula,” na halaw sa Hawaiian dance.

Noong Enero 2004, dalawang tao sa Japan ang nakapagpaikot ng pinakamalaking hoop, nasa 13 talampakan at apat na pulgada ang sukat, ayon sa Guinness World Records. At iniulat naman ng Ripley’s Believe It or Not noong Abril 2004 na matagumpay na napaikot ng isang performer sa Big Apple Circus ang 100 hoop.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!