Mga laro bukas

(McKinley Hill Stadium)

4 n.h. -- UP vs NU

7 n.g. -- ADMU vs UST

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Binokya ng De La Salle ang Adamson University, 6-0, upang patibayin ang kapit sa liderato sa UAAP Season 78 men’s football tournament sa Moro Lorenzo field.

Maagang umatake ang Green Archers sa pagpuntos sa unang anim na minuto mula sa free kick ni Yang.

Sinundan niya ito sa ika-16 minuto mula sa isang cross pass ni Jhoguev Ybanez para bigyan ang La Salle ng 2-0 kalamangan. Ang ikatlong goal ng Green Archers ay nagmula kay Jed Diamante makalipas ang tatlong minuto.

Hindi pa rin nagpaawat si Yang at itinala ang kanyang ikatlong goal sa laro at pang-apat para sa Green Archers sa ika-61 minuto na sinundan nina Gelo Diamante at Yoshi Koizumi sa ika-69 at ika-71 minuto, ayon sa pagkakasunod.

Sa kabuuan, mayroon nang naitalang limang goal ang 22-anyos na si Yang ngayong season.

Sa isa pang laban, nakabalikwas ang defending champion Far Eastern University sa natamong dalawang dikit na talo matapos gapiin ang University of the East 5-1. (Marivic Awitan)