Marso 4, 1962 nang bumulusok ang Trans-African DC-7 plane sa Douala, Cameroon, dahil sa simpleng mechanical failure, at aabot sa 101 pasahero at 10 crew ang nasawi. Ito ang unang plane crash sa mundo na mahigit 100 ang namatay.
Ang Flight 153, ng Trans-African Coach Company, ay bumiyahe mula sa Mozambique patungong Lisbon, Portugal, bago lumapag sa Cameroon para dumiretso sana sa Luxembourg. Gayunman, nahirapan na ang eroplano na makaalis mula sa Douala Airport.
Dakong 6:20 na ng gabi nang pahintulutang lumipad ang eroplano at tumama ito sa mga puno hanggang sa bumulusok sa isang sapa matapos maglakbay ng 1.5 milya.
Labindalawang araw matapos ang aksidente, bumulusok naman ang Lockheed Super Constellation plane sa Pacific Ocean, na ikinamatay ng 107 katao.