ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Magdedesisyon ka based on your intuition. Pakinggan ang payo ng isang kaibigan, medyo may sense ang sasabihin niya.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Pinakamahalaga for you ang family affairs. Isang kaanak ang magbibigay ng surprise visit. Ayan, ‘di na surprise, alam mo na ngayon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Palitan mo na ang kaaway mo, wala na siyang challenge. May disappearing act ang ilang kaibigan.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Solusyunan ang isang personal issue na matagal nang nagpapahirap sa ‘yo. Don't be afraid of using unconventional, fresh approaches.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Igigiit mo today na pagkatiwalaan ka ng iyong loved ones. OA ka sa pagka-insecure, wala ka na sa lugar.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Sa sobrang laki ng problema mo, hindi na ito tatablan ng standard problem-solving methods. Mag-malling ka na lang, mabuti pa.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Masa-satisfy today ang iyong needs, pero hindi mo pa rin ito maa-appreciate. Nakakalungkot…

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

May critical difficult situations sa iyong buhay ngayong araw, pero makakalusot ka sa krisis na ito. Sudden luck will surely save the day.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Nakadepende sa mood ng iyong partner ang kahihinatnan ng iyong gabi. Try mo maging sensitive this time.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

May unexpected changes sa iyong routine today. Okay lang, madali kang makaka-adapt.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Huhugot ka mula sa iyong creative potential. Masyado kang inspired para makaramdam ng stress.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Iwasan ang anumang conflicts today. Umuwi nang maaga, may espesyal na taong naghihintay sa bahay.