Pinaigting ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kampanya nito sa Kamaynilaan na nagresulta sa pagkakahuli sa 4,189 na lumabag sa batas sa jaywalking sa nakalipas na dalawang buwan.
Sinabi ni MMDA Anti-Jaywalking Unit Head, Chief Traffic Inspector Rodolfo Calpito na ang mga lumabag ay inisyuhan ng Pedestrian Violation Receipt (PVR) na may kaukulang P500 multa mula Disyembre 31, 2015 hanggang Pebrero 24, 2016.
May 550 sa kanila ang nagbayad ng P500, habang 11 ang nagsagawa ng community service. May 3,630 citation ang hindi pa naaayos sa MMDA Main Building.
Ipinakalat ang Men in Red sa Metro Manila bilang bahagi ng pinaigting na pagsisikap ng ahensiya para masupil ang jaywalking. (Anna Liza Villas-Alavaren)