Naungusan nina Peter Gabriel Magnaye at Alvin Morada ang mga kasangga nila sa National Team na sina Antonie Carlos Cayanan para makopo ang men’s open doubles title ng 9th Prima Pasta Badminton Championship, kamakailan sa Powersmash sa Makati City.

Nakabangon mula sa masamang simula sina Magnaye at Morada para maitarak ang 14-21, 21-16, 21-19 panalo sa kompetisyon na inorganisa ni Alex Lim at bahagi ng national ranking system.

Nakamit din ng PH team member na sina Alyssa Ysabel Leonardo at Thea Marie Pomar ang women’s open double title laban kina Jessie Francisco at Eleanor Christine Inlayo, 21-16, 16-21, 21-16.

Sa iba pang resulta, nakamit nina Mike Minuluan at Alem Palmares ng National University ang men’s doubles A title kontra kina JC Clarito at Jan Sotea, 21-13, 21-18, habang nagwagi ang tambalan nina Alex Borromeo at Christian Sison kontra Joffre Arollado at Ian Bautista, 23-21, 17-21, 21-14, para sa doubles B class title.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Namayani naman sina Francis Ramos at Michael Saragena kina Nil Nim at Aldin Sese, 20-22, 21-4, 21-17, sa finals ng men’s doubles C; habang kampeon ang tambalan nina John Campos at Darryl Soledad sa doubles D class kontra kina Chris Sanchez at Emil Tausa, 21-16.

Sa women’s doubles division, ginapi nina Steffie Aquino at Flo Lamigo sina Almira Ramos at Aires Amor Montilla, 21-20, 17-21, 11-9, sa women’s B title; habang naiuwi nina Steffie Aquino at Aiza Garcia ang women’s C titler laban kina Christine Garin at Gilly Chavez, 21-18, 18-21, 21-5.