Itinalaga ni Pangulong Benigno S. Aquino III si Atty. Andre “Raj” C. Palacios bilang Executive Director ng Public-Private Partnership (PPP) Center of the Philippines.

Papalitan ni Palacios si Cossette Canilao na nagbitiw sa puwesto, epektibo sa Marso 8.

Bago ang kanyang appointment, si Palacios ay nagsilbing Technical Adviser para sa PPP Center simula noong Enero 2015, at naging General Counsel ng Millennium Challenge Account Philippines at Assistant Secretary ng Office of the Chief Presidential Legal Counsel mula Marso 2003 hanggang Mayo 2004.

Si Palacios ay dalubhasa sa International at Corporate Law at nagtapos ng abogasya sa University of the Philippines College of Law at pang-lima sa 1998 Bar Examinations. Natamo niya ang kanyang Master of Laws in International Law degree, with merit, sa University of London. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang