Direk Wenn at Vice Ganda copy

HUMABOL sa opening ng It’s Showtime si Vice Ganda last Monday na napakalungkot dahil kagagaling lamang niya sa Capitol Medical Center kung saan binawian ng buhay si Direk Wenn Deramas sanhi ng atake sa puso.  

Naka-shades si Vice para itago ang namumugtong mga mata. Saglit lang siyang bumati sa audience, at agad na bumalik sa dressing room dahil hindi pa niya matanggap ang pagkawala ng itinuturing niyang mentor sa showbiz. 

Sa panayam, inamin ni Vice na hinding-hindi niya makakalimutan si Direk Wenn dahil ito lamang ang direktor na naniwala sa kanyang talento sa pagpapatawa. Isa si Vice sa pinakamalalapit na kaibigan ng yumaong direktor. Nagsimula ang kanilang closeness noong gawin nila ni Direk Wenn ang box-office hits nilang Apat Dapat,  

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Petrang Kabayo at Praybyet Benjamin. Nagtuluy-tuloy na ang team-up nila hanggang sa maging ‘unkabogable star’ si Vice. 

Tandang-tanda pa ni Vice nang una siyang kausapin ni Direk Wenn para unang pelikulang gagawin nila.

“Sa pelikulang Apat Dapat, Dapat Apat niya ako unang binigyan ng break. Natatandaan ko, noong first day ng shooting namin, binigyan niya ako ng script na walang laman na papel. Tinanong ko siya, bakit walang laman, sabi niya, ako magsasabi ng eksena sa iyo, ikaw na bahala,” kuwento ni Vice. 

Hindi rin niya makakalimutan ang mga advice sa kanya ni Direk Wenn.

“Huwag maging maramot. Iyong magbibigay ka ng chance sa iba para mag-shine sila. ‘Yan ‘yung ginawa niya sa akin at hindi ko ‘yan makakalimutan.”

Ngayong wala na si Direk Wenn, hindi niya alam kung paano siya gagawa ng pelikula, kung ano pa ang magiging plano niya sa susunod na mga araw.

“Sobrang nalulungkot ako. Nawalan ako ng kaibigan, feeling ko nawalan ako ng pakpak hindi ko alam kung ano ang gagawin sa ngayon dahil sa nangyari,” umiiyak na sabi ni Vice. 

Si Vice Ganda ang punong-abala sa pagpaplano ng burol ni Direk Wenn sa Arlington Chapel, Araneta Avenue. Siya rin ang unang dumating sa ospital nang itawag sa kanyang inatake sa puso ang kanyang kaibigan-mentor.

Inatake sa puso si Direk Wenn nang damdamin at hindi nakayanan ang pagpanaw ng kapatid na si Wawa Deramas noong madaling araw ng Linggo. Alas tres ng umaga nang mamatay ang kanyang kapatid, at si Direk Wenn naman ay pasado ala sais ng umaga binawian ng buhay. Tatlong oras lamang ang pagitan ng pagkamatay ng magkapatid. (ADOR SALUTA)