Natimbog ang isang magkaibigang babae sa buy-bust operation matapos makuhanan ng bulto ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P13 milyon, sa Lipa City, Batangas, nitong Lunes ng hapon.

Nasa kostudiya na ng Lipa City Police sina Cecil Cordova, 34; at Francy Grace Calderon, 27, kapwa nahaharap sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

Ayon kay Supt. Barnard Danie Dasugo, hepe ng Lipa City Police, dakong 4:30 ng hapon nang isagawa ang operasyon ng pulisya sa Barangay 7, na roon nahuli ang mga suspek malapit sa inuupahan nilang apartment.

Nakuha mula sa mga suspek ang may 1.465 kilo ng shabu na nakasilid sa isang gift bag.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“Hindi namin ini-expect na malaki ang dala ng dalawa (suspek) kasi worth P3,000 lang ang dapat bibilhin ng poseur buyer,” sabi ni Dasugo.

Sinabi ni Dasugo na isang alyas “Elvis” ang nagsu-supply ng droga sa mga suspek at pini-pick-up ito sa iba’t ibang lugar.

“Hindi lang sa Lipa City ang distribution nito kundi sa buong Batangas,” ani Dasugo. (Lyka Manalo)