LAGOS (AFP) – Sinabi ng finance ministry ng Nigeria nitong Linggo na nakatipid ito ng milyun-milyong dolyar sa pondo ng gobyerno sa pagsibak sa mahigit 20,000 “ghost workers” mula sa state payroll.
Ang mga tinanggal na ghost worker ay kumakatawan lamang sa “percentage” ng “non-existent” staff na tumatanggap ng buwanang suweldo, nagbibigay diin sa talamak na kurapsiyon sa pinakamalaking ekonomiya sa Africa.
“The salary bill for February 2016 has reduced by 2.293 billion naira ($11.53 million),” pahayag ni finance ministry advisor Festus Akanbi.