TARLAC CITY – Isang negosyanteng Indian ang tinamnan ng bala sa katawan ng riding-in-tandem criminals sa Sitio Mangga II sa Barangay Matatalaib, Tarlac City.

Sa report ni PO2 Julius Apolonio, pinagbabaril sa ulo at sa iba pang parte ng katawan si Balwinder Singh, alyas Hanji, 52, Indian, may asawa, ng Sto. Niño Village, Bgy. Matatalaib, Tarlac City.

Batay sa imbestigasyon, dakong 7:00 ng umaga nitong Linggo at magkaangkas sa motorsiklo ang biktima at kapwa niya Indian na si Barshan Singh, 32, ng Bgy. Bantog, La Paz, nang pagbabarilin sila ng dalawang armado.

Nakuha namang makalundag ni Barshan mula sa motorsiklo, habang napuruhan naman si Balwinder, na hindi na umabot nang buhay sa Jecsons Medical Center.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Naniniwala ang pulisya na may kinalaman sa negosyo o kaya naman ay personal na alitan ang motibo sa krimen.

(Leandro Alborote)