Pebrero 29, 1916 nang parehong lumubog ang German auxiliary raider na SMS Greif at ang British merchant ship na HMS Alcantara sa kasagsagan ng paglalaban sa North Sea.

Naglalayag ang Greif, na gamit ang Norwegian colors at nagwawagayway ng bandila ng Norway. Sinubukan naman ng Alcantara na imbestigahan ang mga pagbabago, ngunit patuloy na naglakbay ang Grief sa hilagang-silangan at binalewala ang alok na pakikipag-ugnayan mula sa kapitan ng Alcantara na si Thomas Wardle.

Ibinaba ng mga crew ng Greif ang kanilang Norwegian symbols at itinaas ang bandila ng Germany matapos ipag-utos ni Wardle na ihinto ang barko para sa inspeksiyon.

Gayunman, mabilis na sinorpresa ng Grief ang mga tripulante ng Alcantara sa pagpapaputok.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Aabot sa 200 ang nasawi sa Grief, habang 74 naman sa Alcantara. Bago lumubog ang Grief, muli nitong pinaputukan ang Alcantara dahilan upang lumubog ang huli.