Maulan pa rin sa Metro Manila at sa ibang bahagi ng Luzon, ngayong linggo.

Ito ang babala kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kasunod ng nararanasang pag-ulan sa nakalipas na mga araw.

Isinisi ito ng PAGASA sa epekto ng tail-end ng cold front.

Sinabi ng PAGASA na maliban sa buntot ng cold front, mararanasan din ang northeast monsoon o amihan sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Kabilang sa mga lugar na magkakaroon ng makulimlim hanggang sa may pag-uulan ang bahagi ng Bicol Region, mga lalawigan ng Quezon, Masbate, Marinduque, Romblon, Mindoro at Samar.

Kaugnay nito, nagbabala ang PAGASA sa maliliit na sasakyang pandagat sa eastern seaboards ng Central Luzon, Southern Luzon at Eastern Visayas.

“Fishing boats and other small seacrafts are alerted against rough to very rough seas,” anang PAGASA.

(ROMMEL P. TABBAD)