Napigilan ang masamang binabalak ng isang pinaghihinalaang kawatan matapos siyang barilin ng isang pulis na tinangka niyang saksakin nitong Sabado ng gabi, sa Pasay City.

Kinilala ni SPO4 Allan Valdez ang suspek na si Lorenzo Macario, 47, umano’y miyembro ng Sigue Sigue Sputnik gang, at taga-M. De La Cruz Street, Barangay 130.

Nabunyag sa inisyal na imbestigasyon na dakong 7:10 ng gabi at katatapos lang ng duty ni PO1 Julius Cesar Oana, ng Arnaiz Police Community Precinct (PCP-3), at naglalakad pauwi nang makita niya si Macario sa harap ng Ablaza Pawnshop sa Arnaiz Street. Napansin ng pulis ang kahina-hinala at matulis na bagay sa beywang ng suspek.

Nilapitan ni Oana si Macario at nagpakilalang pulis ngunit agad bumunot ng ice pick ang suspek at tinangkang saksakin ang pulis, ayon sa ulat.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakailag si Oana ngunit nagpatuloy sa pag-atake si Macario kaya binaril ng pulis sa paa ang suspek. - Martin A. Sadongdong