Arestado ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang pinaghihinalaang miyembro ng gun running syndicate, sa entrapment operation sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni NCRPO chief Director Joel D. Pagdilao ang suspek na si Garry Geslani, 41, ng Manuel L. Quezon Street, Bagumbayan, Taguig City.

Nakapiit ngayon si Geslani sa NCRPO detention facility sa Camp Bagong Diwa makaraang salakayin ang bahay nito ng mga operatiba ng Regional Police Intelligence Operation Unit (RPIOU).

Base sa report, dakong 7:30 ng gabi kamakalawa nang salakayin ng NCRPO ang bahay ng suspek at bumili ng baril ang isang police agent na nagresulta sa pagkakadakip kay Geslani.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nasamsam sa suspek ang tatlong caliber .38 revolver, ayon kay Pagdilao.

Ayon kay Pagdilao, si Geslani ay miyembro ng sindikato na nasa likod ng pagbebenta ng armas sa mga grupong kriminal sa Metro Manila. - Jun Fabon