Mga laro ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

3 n.h.

Globalport vs Meralco

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

5:15 n.h.

Barangay Ginebra vs. Star

Nagpakatatag ang Talk ‘N Text Tropang Texters sa matikas na paghahabol ng Phoenix Fuel Masters para maitarak ang 108-96 panalo at tuldukan ang three-game losing skid kahapon sa OPPO-PBA Commissioner’s Cup elimination sa MOA Arena.

Naisalpak nina Ranidel de Ocampo at Jason Castro, kapwa miyembro ng Gilas Pilipinas, ang magkasunod na 3-pointer sa loob ng huling tatlong minuto ng laro para palawigin ang bentahe ng Tropang Textes tungo sa unang panalo matapos masadlak sa dusa dulot ng pagka-banned ng dating import na si Ivan Johnson.

Samantala, target ng Meralco Bolts na mapanatili ang lakas at katatagan sa pagsagupa sa Global Port Batang Pier, habang tampok ang duwelo ng crowd-favorite Ginebra Kings at Star Hotshots sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Itataya ng Bolts ang malinis na karta laban sa Batang Pier ganap na 3:00 ng hapon bago ang tampok na salpukan sa pagitan ng sKings at Hotshots sa alas-5:15 ng hapon.

Nakopo ng Bolts ang ika-apat na sunod na panalo laban sa Phoenix Petroleum, 90-87, nitong Pebrero 21.

“It’s a big turnaround for us coming off a bad conference. I hope that our locals will continue to step-up,” pahayag ni Bolts coach Norman Black.

Sa panig ng Batang Pier, magkukumahog ang mga itong makabangon at makabalik sa winning track kasunod ng natamong 109-120 pagkabigo sa kamay ng San Miguel Beer nitong Biyernes na nagbaba sa kanilang marka sa 2-2, kasama ng Blackwater at NLEX sa ikatlong puwesto.

Ayon kay Kings coach Tim Cone, hindi na mahalaga kung sino ng kanilang makakaharap dahil ang tanging hangad nila ay manalo upang makabawi sa hindi magandang kampanya sa nakalipas na Philippine Cup.

“It doesn’t matter who we play. We need to win,” ayon kay Kings coach Tim Cone.