Pebrero 28, 1953 nang madiskubre ng Cavendish Laboratory scientists ng Cambridge University na sina James Watson at Francis Crick ang double helix, o ang spiral structure ng deoxyribonucleic acid (DNA). Malaki ang naitulong nito sa pagpapaunlad sa modernong molecular biology.

Taong 1869 nang madiskubre ng physiological chemist na si Friedrich Miescher ang DNA, na binubuo ng phosphoric acid, sugar, at nitrogen-containing bases, at matatagpuan sa nucleus ng selula.

Marami ang nag-akala na ang chemical composition ng DNA ay hindi uubra sa malalaking datos. Gumamit sina Watson at Crick ng three-dimensional models para muling buuin ang DNA structure, at kinumpleto ang pagbubuo sa kanilang modelo.

At pagsapit ng Abril 25, 1953, ang natuklasan ng dalawa ay naisapubliko matapos mailathala sa Nature magazine ang mga nakuha nilang resulta.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’