Sinaksak sa leeg at napatay ang isang lalaki ng umano’y karibal niya sa panliligaw sa Jaro, Iloilo, kahapon.

Ayon sa Iloilo Police Provincial Office (IPPO), ang biktima ay si Dexter Rapista, 34, ng Barangay Quintin Salas, Jaro.

Sinabi ni Rosemarie Pabiluna, 51, live-in partner ni Rapista, na nakikipag-inuman sa harap ng kanilang tindahan ang suspek na si Benny Desper nang bigla nitong saksakin sa leeg si Rapista, na agad na nasawi.

Ayon kay Pabiluna, naniniwala siyang matindi ang selos ni Desper sa biktima, dahil nanligaw noon sa kanya ang suspek, pero si Rapista ang kanyang sinagot.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nakatakas ang suspek. (Fer Taboy)