TARLAC CITY – Isang lalaki na pinaniniwalaang bangag sa ilegal na droga ang nagwala, bitbit ang isang jungle bolo, na labis na ikinagulat ng mga kabarangay niya sa Sitio Tarvet, Barangay San Rafael, Tarlac City.

Sa report ni PO3 Benedick Soluta kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, inaresto si Hernando Quenagon, 48, ng nasabing lugar matapos makumpiskahan ng dalawang transparent plastic sachet na may hinihinalang dried marijuana leaves, na tumitimbang ng 0.775 gramo.

Bukod dito, nakuha rin kay Quenagon ang isa pang transparent plastic sachet na naglalaman ng 0.032 gramo ng shabu, dalawang rolyong tissue paper, cigarette foil, at iba pang drug paraphernalia.

Napag-alaman na dakong 8:30 ng gabi at may masayang inuman sa bahay ng mga Dugenia nang biglang putulin ng suspek ang linya ng kuryente roon, bago nagbantang papatayin ang sinumang aalis sa kinauupuan.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Agad na nakaresponde ang mga barangay tanod at inaresto ang suspek. (Leandro Alborote)