NEW YORK — Sa desisyon na maglalagay sa Brooklyn sa mas delikadong katayuan sa paghahabol sa playoff, binitiwan ng Nets nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) si Joe Johnson.

Bunsod nito, may karapatan ang seven-time All-Star na maghanap ng title contender na koponan.

Ipinahayag ng Nets na nagkasundo ang management at si Johnson sa ‘buyout’ para nalalabing taon niyang kontrata sa koponan – isa a pinakamalaking kontrata sa liga.

Batay sa regulasyon ng liga, may hanggang Marso 1 ang mga koponan na i-waived ang player para mabigyan ito ng pagkakataon na pumirma ng kontrata sa ibang koponan na may laban sa playoff.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“The Nets want to thank Joe for his many contributions to the team and the organization,” pahayag ni general manager Sean Marks.

“Joe has been a quality professional since joining the Nets four years ago, was a valued member of three playoff teams, and provided many thrilling moments for his teammates and Nets’ fans. We wish him much success in the future,” aniya.

Kailangan muna ng 34-anyos na si Johnson na ma-waived bago makipag-usap sa ibang koponan. Ngunit, sino mang kumuha sa kanya ay tiyak na duduguin dahil may nalalabi siyang $24.9 milyon sa kanyang suweldo ikalawang pinakamataas na suweldo sa nangungunang si Kobe Bryant.