KALIBO, Aklan – Lumahok sa unity walk at peace covenant ang mga lokal na kandidato sa Aklan, kahapon ng umaga.

Ang peace covenant ay pinangunahan ng Commission on Elections (Comelec), Philippine National Police (PNP), Philippine Army, at ng mga miyembro ng media.

Ayon kay Atty. Roberto Salazar, provincial election supervisor, minadali nila ang pagsasagawa ng nasabing peace covenant dahil sa susunod na linggo ay isasalang na sa isang buwan na training ang mga election officer sa probinsiya. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

CDO mayor, ipinag-utos pagbawas ng pagkonsumo sa kuryente, petrolyo bunsod ng tensyon sa Middle East