Tinanghal na Most Valuable Player (MVP) si De La Salle-Zobel top scorer Aljun Melecio sa pagtatapos ng 78th Season ng UAAP juniors basketball championship, kahapon sa San Juan Arena.

Bunsod nito, si Melecio ang kauna-unahang Archer mula sa Alabang na nagwagi ng parangal sa kasaysayan ng liga.

Tangan ang averaged 22.7 puntos kada laro, nakakuha si Melecio ng kabuuang 78.9 Statistical Points (SPs). Naitala niya rin ang averaged 3.3 assist, 7.1 rebound, at 2.3 steal. Ginapi niya sa parangal si Nazareth School of National University’s Justine Baltazar, nakakuha ng 76.6 SPs.

Bago si Melecio, nakasama sa Mythical selections sina Simon Atkins at Joshua Webb, ngunit kapwa bigo sa MVP award.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bilang Junior Archer, awtomatikong lalaro sa La Salle University si Melecio sa kolehiyo.