Tatlong koponan ng Colegio San Agustin, dalawa sa 13 and under at isa sa 17 and under, ang may tsansang lumaban para sa titulo matapos tumuntong sa semifinals ng 20th Women’s Volleyball League sa Xavier School Gym.

Ang CSA 17-and-Under Competitive team ay makakasagupa ng San Antonio de Padua College ganap na 10:00 ng umaga, sa isa sa dalawang semifinal pairing habang magtutuos sa gfanap na 9:00 ng umaga ang San Pedro Reclamation National High School at King’s Montessori School para sa torneong inorganisa ng Best Center sa tulong ng Milo.

Maghaharap naman ang wala pang talong Sisters of Mount Carmel Catholic School at San Antonio de Padua School ganap na 9:00 ng umaga para sa 17-and-under Developmental semifinal, habang maghaharap sa isa pang pairing ang St. Raphaela Mary Academy at St. Scholastica’s College-Manila sa ganap na 10:00 ng umaga.

Makakatunggali naman ng wala ring talong CSA team sa 13-and Under Developmental category ang Young Achiever’s School sa ganap na 11:00 ng umaga na susundan ng isa pang pairing sa pagitan ng Jubilee Christian Academy at School of St. Anthony sa ganap na 12:00 ng tanghali.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Isa pang koponan ng CSA na hindi pa rin natatalo ang sasabak naman kontra Escuela de Sophia of Caloocan ganap na 11:00 ng umaga para sa 13-and-Under Competitive Division.

Magtutuos sa isa pang semifinal match ang King’s Montessori at Holy Family School dakong 12:00 ng tanghali.

Samantala, nakatakdang ganapin ang championship ng torneo sa Marso 6 sa San Beda College gym sa Mendiola.

(Marivic Awitan)