CABANATUAN CITY – Noon, pekeng diploma, ngayon pekeng civil service eligibility.

Dalawampu’t isang pulis na nakatalaga sa iba’t ibang lugar sa Central Luzon ang napaulat na sinibak sa puwesto matapos madiskubreng peke ang mga civil service eligibility na isinumite nila sa kanilang mga aplikasyon sa Philippine National Polcice (PNP).

Mahaharap sa administrative sanctions at mga kasong kriminal kapag napatunayang guilty ang 21 pulis mula sa Region 3, ayon sa isang reliable source mula sa Camp Olivas sa Pampanga.

Inatasan na ni Chief Supt. Rudy Lacadin, Police Regional Office (PRO)-3 director, ang Personnel Division na makipag-ugnayan sa Civil Service Commission (CSC) kaugnay ng mga pekeng eligibility.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ipinasusuri na rin ni Lacadin sa Human Resource & Personnel Division (HRPD) ng PRO-3 na suriing mabuti ang lahat ng dokumento mula sa National Police Commission (Napolcom) at CSC na isinumite ng mga aplikante upang maiwasang maulit ang nasabing iregularidad. (Light A. Nolasco)