SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija - Hindi nakalusot sa kamay ng batas ang isang 54-anyos na lalaking most wanted matapos siyang makorner sa Operation Charlie manhunt ng pulisya sa Purok Bagong Silang, Barangay Baluarte, sa siyudad na ito, kamakailan.

Kinilala nina PO2 Lloyde Aquino at PO2 Haidee Santos ang akusado na si Rey Flores y Fernandez, ng nasabing lugar.

Dakong 11:00 ng umaga nang isilbi ang warrant of arrest kay Flores sa paglabag sa PD 1602 (Anti-Illegal Gambling) na may petsang Hulyo 11, 2014. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae