DAHIL may appointment kami kay Sunshine Cruz, napasugod kami sa studio ng GMA-7 na may ginaganap na taping ng The Master Showman’s Final Bow na mapapanood ngayong gabi.

Nadatnan naming aligagang-aligaga ang mga staff ng namayapang si German Moreno sa pangunguna ni Carmelites. Papasok pa lang kami sa loob ay nakasabay namin si Sharmaine Arnaiz na dahil sa kataklesahan namin ay nakapagbitaw kami ng salitang, “Sino ba ang babaeng mataba na dumaan na ‘yun?’

Siyempre, agad kaming nanghingi ng paumanhin kay Sharmaine nang mapalingon sa amin.

“Ikaw naman, Tito Jimi, parang hindi tayo lagi nagkikita noon sa Wednesday group ng That’s Entertainment,” banggit ni Sharmaine.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod siyempre sa sadya naming si Sunshine Cruz, na lalong nagiging sexy, dahil daw sa halos araw-araw niyang pagbo-boxing, namataan din naman namin ang ilang dating alaga ni Kuya Germs na sina Sheryl Cruz, Jackie Lou Blanco, Mariz, Sunshine Dizon, Billy Crawford, Jaya, Michael Pangilinan at marami pang iba.

May napakapagbulong agad sa amin na hindi raw makakarating si Nora Aunor na kung ilang beses daw pinakiusapan ng mga staff.

Pero ang talagang ikinalungkot daw ng mga taong malalapit kay German Moreno ay ang naging desisyon ng management na ipagpaliban ang unveiling ng marker ng namapayang Master Showman. Sabi nila, papangalanan sanang German Moreno Studio ang GMA Annex.

Well, alam daw naman ng source namin ang dahilan kung bakit naunsiyami ang naturang event, huh! (Jimi Escala)