Nagwakas ang mahabang pagtatago sa batas ng isang most wanted criminal sa Gamay, Northern Samar, makaraang matunton ng mga awtoridad ang kanyang pinagtataguan sa Malabon City, nitong Martes ng gabi.

Ayon sa report, dakong 9:00 ng gabi nang masukol ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon Police at ng mga miyembro ng Gamay Police Station si Gerry Albino Cello, 48, sa tinitirhan nito sa No. 42 Del Rosario Street Merville Subdivision, Barangay Dampalit, Malabon City.

Sa rekord ng Gamay Municipal Police Station, nasangkot si Cello sa mga patayan sa kanilang lugar noong Enero 2014.

(Orly L. Barcala)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'