NAGSALITA na ang show business manager ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao na si Arnold Vegafria kay Nerissa Almo ng PEP na hindi pag-aari ni Krista Ranillo ang bahay na ipinost ng isang netizen sa Facebook last Monday na agad naging viral.

Matatandaang ipinost ni Ms. Lorraine Marie Badoy ng Loyola Grand Villas ang nakita at kinunan niyang campaign SUV ni Manny sa tapat ng isang bahay na aniya’y pag-aari raw ng ‘mistress’ ng People’s Champ.

“That is not the house of Krista Ranillo! That is the house of Jake (Joson). Ask the guards. The blue Ford car is also owned by Jake,” pahayag ni Arnold.

Binalutan daw ng campaign stickers ang nasabing SUV na pag-aari ng staff ni Manny tatlong linggo na ang nakararaan.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

At least malinaw nang hindi pag-aari ni Krista o ni Manny ang nasabing house and lot dahil hindi ito nakalagay sa SALN ni Pacman. (Reggee Bonoan)