Pebrero 25, 1964 nang kilalaning world’s heavyweight champion ang boksingerong si Cassius Clay, sa edad na 22, matapos patumbahin si Sonny Liston sa pamamagitan ng technical knockout sa ikapitong round. Ang maalamat na si Liston, na dalawang beses tinalo ang dating kampeon na si Floyd Patterson sa unang round pa lang, ay nabalian ng balikat.

Sa simula pa lang ng ikapitong round ay sinabi ni Liston na hindi na niya itutuloy ang laban.

Naniwala noon ang mga mamamahayag na nag-cover sa laban na mananalo si Liston, at kalahati lang ng venue ang naibenta. Naramdaman naman ni Clay na mapapanalunan niya ang titulo.

Nagsimulang mag-boxing si Clay sa edad na 12, at nanalo sa mahigit 100 laban sa edad na 18. Nasungkit niya ang International Golden Gloves heavyweight title at ang Summer Olympic Games gold medal noong 1959 at 1960, ayon sa pagkakasunod. At siya ay naging professional boxer pagkatapos nito.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’