CAMP JULIAN OLIVAS, City Of San Fernando, Pampanga – Isang bahagyang sunog na bangkay ng hindi pa nakikilalang binatilyo ang natagpuan ng mga residente ng Barangay San Pedro sa Floridablanca, Pampanga, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa ulat kay Chief Supt. Rudy G. Lacadin, Police Regional Office (PRO)-3 director, posibleng itinapon lang sa lugar ang bangkay, na pinaniniwalaang biktima ng summary execution.

“May posibildad na pinatay ang biktima sa ibang lugar at dito itinapon, para iligaw ang mga awtoridad,” sabi ni Lacadin.

Sinabi ng pulisya sa may akda na walang iniulat na nawawalang tao sa lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon kay Lacadin, ginagawa na ng pulisya ang lahat upang matukoy ang pagkakakilanlan ng binatilyo, na tinatayang nasa edad 15-18.

Ang bahagyang sunog na bangkay ay may saksak sa dibdib nang matagpuan ng mga residente dakong 5:00 ng umaga nitong Martes. (Franco G. Regala)