FRANKFURT/LONDON (AFP/Reuters) – Iniutos ng chocolate giant na Mars nitong Martes ang malawakang recall o pagbawi sa Mars, Snickers bar at iba pa nitong produkto sa 55 bansa matapos makitaan ng kapirasong plastic sa isang bar mula sa Dutch factory.

“As far as we know there are 55 countries involved,” pahayag ni Eline Bijveld, Mars corporate affairs coordinator for the Netherlands, sa AFP.

Ang recall “only involves the products that are made in the Netherlands”, sa pabrika ng Mars sa katimogang bayan ng Veghel.

Ang hakbang na ito ay kasunod ng reklamo ng isang customer na nakakita ng pulang plastic sa Snickers bar na kanyang binili noong Enero 8 sa Germany.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Natunton na ang plastic ay nagmula sa pabrika sa Veghel at ito ay protective cover na ginamit sa manufacturing process ng planta.

“We are currently investigating exactly what’s happened, but we cannot be sure that this red piece of plastic isn’t in any other of our products from the same production line,” wika ni Bijveld.

Nagpasya ang food giant na boluntaryong mag-isyu ng recall “out of precaution”.

Apektado ng recall ang lahat ng Mars at Snickers products, Milky Way Mini at Miniature gayundin ang ilang Celebrations confectionery boxes na mayroong best-before dates na mula Hunyo 19, 2016 hanggang Enero 8, 2017. Ang mga petsang ito ay maaaring hindi pareho sa ibang bansa, ayon sa kumpanya.