poca copy

Target ng magkapatid na Marky at Malvinne Poca Alcala na maidepensa ang kani-kanilang korona sa singles open division sa paghataw ng 9th Prima Pasta Badminton Championship ngayon sa Powersmash Badminton Courts sa Makati City.

Nakopo ni Marky ang kampeonato sa men’s open singles nang gapiin si Ross Leenard Pedrosa, habang nakamit ng nakatatandang kapatid ang women’s open singles title laban kay Bianca Ysabelle Carlos.

Kabilang sa inaasahang magbibigay ng matinding hamon para sa kampeonato sina Michael Kevin Cudiamat, RJ Ormilla, Rabbie Jason Oba-ob, Kenneth Monterubio, Sarah Joy Barredo, at Airah Mae Nicole Albo.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Itataya naman nina Ronel Estanislao at Paul Jefferson Vivas at ang tambalan nina Peter Gabriel Magnaye-Alvin Morada ang nakamit na seeding sa men’s doubles, habang sentro ng atensiyon sa women’s double ang tambalan nina Jessie Francisco-Eleanor Inlayo, at Poca Alcala-Gelita Castillo.

Inorganisa ni Alex Lim, ang taunang torneo ay suportado rin ng Babolat, SMART Communications at MVP Sports Foundation. Paglalabanan din ang event sa men’s double at mixed double sa Open class, gyundin sa Levels A hanggang G, habang women’s double lamang ang paglalabanan sa Open Class at Level B hanggang F.

“I’m expecting this year’s Prima tournament is very competitive than the last year’s tournament because everybody wants to prove something,” pahayag ni Lim.

Sa pakikipagtulungan ng Philippine Badminton Association (PBA), ang torneo ay ginagamit ding batayan para sa pagkalap ng puntos sa Philippine National Ranking System (PNRS).

Ang iba pang event na nataya ay ang boys’ and girls’ singles event sa Under 19, 17, 15 , 13 at 11 categories, habang sa boys and girls doubles ay nakalaan sa Under 19, 17 at 15.