Pinadapa ng Macway Travel Club ang dating NCAA champion Philippine Christian University, 88-84, upang maagaw ang maagang liderato sa 2016 MBL Open basketball championship kamakailan sa Rizal Coliseum.

Ang walang kupas na si Nino Marquez ay nagpasiklab nang husto sa kanyang 23 puntos habang nagsisilbing playmaker para sa Macway.

Si Marquez, naglaro sa Air 21 Express sa PBA, ay umiskor ng walong puntos sa fourth period para pangunahan ang Macway nina coach Manny Mendoza at manager Erick at Cathy Kirong sa ikalawang dikit na panalo.

Nag-ambag naman si Lester Reyes ng 15 puntos at Floyd Dedicatoria ng 14 puntos para sa Macway, nagtatangka para sa unang titulo sa MBL.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kumana naman si Pol Santiago ng walong puntos sa krusyal na sandal para sa impresibong panalo sa torneo na suportado ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at PRC Couriers.

Nanguna sina Fidel Castro at Ford Ruaya sa PCU sa naiskor na 27 at 23 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nanaig naman ang AMA-Wang’s Ballclub laban sa New San Jose Builders, 93-77, para sa unang panalo sa dalawang laro.

Iskor: (Unang laro)

AMA-Wang’s (93) -- Tampus 22, Jamito 17, Jordan 15, Angeles14, Carpio 9, Mendoza 4, Magpantay 4, McCarthy 2, Macaranas 2, Dizon 2, Tobias 2.

New San Jose Builders (77) -- Ambulodto 27, Acuzar 13, Bermudo 8, Sumay 8, Palogan 7, Maloles 7, Telles 4, Puspos 3.

Quarterscores:

25-11, 43-29, 64-46, 93-77.

(Ikalawang laro)

Macway (88) -- Marquez 23, Reyes 15, Dedicatoria 14, Natividad 11, Santiago 8, Sanders 7, Alao 2, Lagrimas 2, Laude 2, Vitug 2.

PCU-Naughty Needlez (84) -- Castro 27, Ruaya 23, Sazon 16, Corpuz 11, Ayon-ayon 4, Tambuling 3, Catipay 2.

Quarterscores:

24-17, 40-48, 61-64, 88-84.