Pebrero 23, 1958 nang dukutin sa Cuba ng mga rebeldeng tauhan ni Fidel Castro ang Formula One champion na si Juan Manuel Fangio, na isang Argentinian. Layunin nitong magdulot ng pandaigdigang kahihiyan sa liderato ni noon ay Cuban President Fulgencio Bautista.

Dinukot si Fangio mula sa kuwarto ng isang hotel sa Havana, at pinalaya ilang oras matapos ang Cuba Grand Prix.

Hindi sinaktan ang karerista. Sa karera, nawalan ng kontrol ang Cuban driver na si Armando Garcia Cifuentes sa kanyang sasakyan makaraang lumampas sa nilangisang race track, na ikinasawi ng pitong katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Isinilang si Fangio noong Hunyo 24, 1911 sa Balcarce, Argentina, at naging interesado sa pagmemekaniko sa edad na 11. Taong 1951 nang mapanalunan niya ang una niyang world championship, at apat na beses pang nagkampeon pagkatapos nito. Tumigil siya sa pangangarera noong 1958 nang ang mga sasakyan ay “too fast and dangerous.” Dinaig ng German na si Michael Schumacher ang championship streak record ni Fangio noong 2003.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!