Nagposte ng game-high 24 puntos si John Paul Manansala upang pangunahan ang PATTS College of Aeronautics kontra College de San Lorenzo, 68-61, at angkinin ang kauna-unahang titulo sa 8th Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) men’s basketball tournament.

Rumatsada si Manansala sa final period kung saan nagsalansan ito ng 12 puntos para tapusin ang finals series laban sa Sea Horses, 2-1.

“Sa wakas at nakuha rin namin,” ani Sea Horses coach Rencie Aranzaso.

Naging malaking kawalan para sa Griffins si Jun Gabriel na nasuspinde matapos mapatalsik sa Game 2.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Kahi si Griffins coach Bonnie Garcia ay napatalsik pa rin sa nalalabing 4:45 ng laban dahil sa unsportsmanlike behavior. - Marivic Awitan