Pebrero 21, 1842 nang ipagkaloob ang unang American patent para sa makinang panahi kay John Greenough, na ang imbensiyon ay ginagamitan ng isang karayom na may butas sa gitna. Ang makina, na may patent number na 2,466, ay ginagamit sa pananahi ng leather.
Maaaring gawan ng back stitch o shoemaker stitch ang leather sa paggalaw ng rack. Makapagtatahi ito sa paglusot ng karayom sa tela na awtomatikong nagbubukas-sara. Gayunman, kinakailangang siguruhing laging may sinulid ang karayom.
At kapag naputol ang sinulid, hihinto at mamamatay ang makina.
Mas pinili ni Greenough na huwag ibenta ang kanyang imbensiyon. Nagtrabaho siya sa isang patent office simula 1837 hanggang 1841 bilang superbisor.