ISANG gabi, may isang pari na mag-isang naglalakad sa madilim sa eskinita nang biglang may sumulpot na lalalki at tinutukan siya ng kutsilyo sa kanyang tagiliran. “Ibigay mo ang wallet mo.”sabi sa kanya ng lalaki.
“Anak, nagkakamali ka,” sabi ng pari, “ako ang cura paroko dito sa malapit na parokya.”
Nang sabihin ito ng pari, binago ng mandurukot ang tono ng kanyang boses at nahihiyang sinabi, “Ah sorry, Father.”
Sa pagnanais ng pari na maging kaibigan ang mandurukot, inalok niya ito ng sigarilyo. Kung saan sinabi ng lalaki na:
“Sorry, Father, cuaresma ngayon; ako’y nag aayuno sa paninigarilyo.”
Nakakahanga ang sakripisyo ng lalaki na hindi manigarilyo dahil Mahal na Araw ngunit siya ay nangdurukot.
Lahat tayo ay may kahinaan, gayunman kailangan nating magsakripisyo at magsisi sa ating mga nagawang kasalanan, lalo na ngayong Mahal na Araw.
Sa nakalipas na mga taon, naalala ko ang isiniwalat sa akin ng kaibigan kong magbubuwis, “Father, sa aking propesyon, hindi ko magawang bawasan ang ipinapataw na buwis sa mga kliyente para maging magaan sa para sa kanila.
At kapag hindi ko ito ginawa, mawawalan ako ng trabaho.” Ngunit ako ay nakararamdam ng konsensiya. “Kaya, katulad sa accounting, binabalanse ko ang aking mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtulong sa nangangailangan at pagdadasal.”
“Parang katulad ng ‘debit-credit..” ‘Equals kupit?” biro ko sa kanya. “Hindi.” tugon naman niya. “Debit minus credit equals zero balance.”
Tayo ay nababalutan ng mga kasalanan katulad ng pagnanakaw, pagbibigay o pagtanggap ng suhol, intriga, pangloloko na dahilan para maisip nating magbago at magsisi.
Maaaring sabihin ng iba na: “Kung palagi namang nagpapatawad ang Diyos sa mga nagkakasala, marami ang aabuso at uulit lang na magkasala. Pero ayos lang patatawarin ka rin naman ni Lord.”
Posible ito. Ngunit sa ayon sa banal na kasulatan, inaasahan ng Panginoon na tayo ay nagsisisi at magbabago at hindi na muling uulit pa. (Fr. Bel San Luis, SVD)